Mobirise

Sa Isip, Sa Salita, at Sa Gawa


"paano nga ba ako makahuhubog ng isang batang gaya ni Jose na ginamit ang talino upang tumulong sa mga kababayan?" O "paano ko ba mapapanday ang aking anak gaya ni Andres na nagkaroon ng tapang upang mamuno at tumindig sa tama kahit siya ay dayain at baliktarin?" 


Sa Isip, Sa Salita, at Sa Gawa 

Naisip mo na ba ang mga katagang 'yan? Kung ikaw ay gaya ko na lumaking may Flag Ceremony sa traditional schools public man o private, sure ako na alam mo sambitin ang Panatang Makabayan. Matatawa ka nga dahil kung naranasan mong maging  late, naku panigurado akong naranasan mo rin na i-recite yan ng mag-isa sa unahan habang sinasabi mo sa sarili mong "hindi na ako uulit, hindi na ako mahuhuli" or worst, linis kubeta ang bagsak mo.

Maraming bagay ang naiisip ko sa ating Panatang Makabayan. Nandoon ang pagkakahimay ng ating authority simula sa magulang, paaralan, at pamahalaan. Nandoon din paglalarawan kung paano ang pagmamahal sa bayan. Pero sa simpleng salita lalo na sa panahon natin ngayon, paano nga ba sinisimulan ang pagiging Pilipino? At kung gaya ko ikaw, naitanong mo na ba sa sarili mo "paano nga ba ako makahuhubog ng isang batang gaya ni Jose na ginamit ang talino upang tumulong sa mga kababayan?" O "paano ko ba mapapanday ang aking anak gaya ni Andres na nagkaroon ng tapang upang mamuno at tumindig sa tama kahit siya ay dayain at baliktarin?" 

Kapag binalikan mo ang ating mayamang kultura, hindi natin maipagkakaila na ang ating pagiging malapit sa  pamilya ay isang kalakasan ng ating lahi.  Nandoon yung pagtuturo ng "po at opo" sa pakikipag-usap sa mas nakakatanda at marami pang iba na na gaya ng pagmamano sa kamay na nagpapakita kung gaano tayo magpahalaga sa pakikipag-kapwa tao. Isang halimbawa rin ang pagsasalin ng ating kultura ay ang ating pagtuturo nung bago dumating ang mga Kastila. Noon pa lamang ay mga magulang na ang ating guro at ang pagkatakot kay Bathala maging sa pagpapahalaga ng ating likas na yaman ay kasama sa pagbubuklod ng pamilya. Hindi nga natin maitatanggi na kahit noon pa man ay may "homeschooling" nang nagaganap sa bawat pamilyang Pinoy. Ang kalinangan ng mga tradisyon ay nagpapakita lamang na ang pagmamahal sa pamilya ay matibay na na ugat na sumasalamin sa katatagan ng ating lahi. Tunay nga na ang "homeschooling" ay ang daan upang magkaroon ng bagong Jose at Andres na mangunguna sa ating Inang bayan. 



Get Latest Updates!

Sa STPH, may KASAMA ka!

Our Mission

About Bernz
What We Believe
FAQ
How to Blog

Follow Us
Get Connected
  • Contact Us
  • Join our Community
  • Visit our Stories
  • Get our Free Printables
Ways to Help
  • Donate
  • Shop
  • Hire Bernz to Speak
  • Affiliates

This website was made with Mobirise website template